Haharap sa matinding init ng panahon ang Japan, sa pag-tatapos ng tag-ulan

Hinihikayat ng mga weather officials na iwasang lumabas nang mga tao, manatiling hydrated at gumamit ng air conditioning para maiwasan ang heatstroke.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Natapos na ang panahon ng tag-ulan sa buong Japan, na siyang nag-tumutulak sa pag-taas ng temperatura sa Lungsod ng Sapporo sa northernmost prefecture ng Hokkaido.

Inanunsiyo ng Meteorological Agency nuong Lunes ang pag-tatapos ng tag-ulan sa Shikoku kasunod ng ilan pang rehiyon.

Nitong alas-2:00 ng hapon, tumaas ang temperatura sa Sapporo at umabot ito sa 35 degrees Celcius sa unang pagkakataon mula nuong taong 2000.

Tumaas ang temperatura na mahigit sa 37.3 degrees sa lungsod ng Oshu sa Iwate Prefecture at Koshu sa Yamanashi Prefecture at 37.1 degrees naman sa Kiryu City sa Gunma Prefecture at Kyoto City at 35.2 degrees sa Fukuoka City.

Tumaas rin ang temperatura sa Tokyo nang 34 degrees at sa mga lungsod ng Nagoya at Takamatsu.

Hinihikayat ng mga weather officials na iwasang lumabas nang mga tao, manatiling hydrated at gumamit ng air conditioning para maiwasan ang heatstroke.

Pinapayuhan rin ang mga tao na alisin ang kanilang face masks at magpa-hinga kapag nasa labas kung kaya nila maka-iwas sa mga mataong lugar.

Ang pag-taas ng mga tempetratura ay lumilikha ng pabago-bagong kondisyon sa atmosphere, na siyang lumilikha ng mga rain clouds sa ilang lugar kabilang ang Hokkaido.

Sinabi ng mga weather official na ang radar analysis ay nag-papakita ng mahigit 90 milimeters na pag-ulan sa lungsod ng Ashoro sa Hokkaido sa loob ng isang oras hanggang alas-3:10 ng hapon.

Binabalaan ng mga weather officials na maaaring makaranas ng pag-baha sa mga mabababang lugar, malakas na agos sa mga ilog, pag-guho ng mga lupa, kidlat at ipo-ipo.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund