GROUP SUICIDE, 3 NATAGPUANG PATAY SA LOOB NG ISANG SASAKYAN SA SAKAI

Ang labi ay hindi kinakitaan ng kahit anong panlabas na sugat, isang diumano'y tila suicide note at sunog na mga charcoal briquettes ang kasamang natagpuan sa loob ng sasakyan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspGROUP SUICIDE, 3 NATAGPUANG PATAY SA LOOB NG ISANG SASAKYAN SA SAKAI

OSAKA- Tatlong bangkay ang natagpuan sa loob ng isang nakaparadang sasakyan sa Lungsod ng Sakai noong Lunes.

Batay sa mga nakalap na ebidensya sa crime scene, sinasabi ng mga awtoridad sa Osaka Prefectural Police na isa itong maliwanag na kaso ng Group Suicide, ayon sa ulat ng NHK (Hunyo 29).

Dakong 1:00 ng hapon, namataan ng isang naglalakad na lalaki ang nasabing sasakyan at agad ini-report sa mga awtoridad, ” may tatlong tao na mukhang wala ng buhay at hindi gumagalaw sa loob ng isang sasakyan”.

Ayon sa imbestigasyon ng Sakai Police Station ang tatlong bangkay na natagpuan ay dalawang lalaki, parehong nasa edad 29, isa ay taga Lungsod ng Tokai sa prepektura ng Aichi, habang ang isa ay nagmula sa Lungsod ng Amagasaki sa Prepektura ng Hyogo, at ang pangatlo ay isang babae, 22, na naninirahan sa Edogawa Ward sa Lungsod ng Tokyo.

Ang labi ay hindi kinakitaan ng kahit anong panlabas na sugat, isang diumano’y tila suicide note at sunog na mga charcoal briquettes ang kasamang natagpuan sa loob ng sasakyan.

Ang mga air conditioning vents sa loob ng sasakyan ay pawang silyado.
Pinaniniwalaan ng kapulisan na ang paglanghap ng carbon monoxide fumes mula sa mga nasusunog na charcoal briquettes ang naging paraan ng tatlo upang kitilin ang kanilang buhay.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund