Ipinahayag ng Google at Facebook na ire-require nila sa kanilang mang-gagawa sa US na mabakunahan laban sa coronavirus bago maka-balik sa kanilang trabahuhan.
Ang hakbang ng dalawang malaking kumpanya sa Estados Unidos ay alinsunod sa global surge ng impeksyon na dala ng Delta Variant, na siyang unang nakita sa India.
Ipinahayag ng Google na ang mga mang-gagawa na papasok sa kanilang opisina ay kinakailangang mabakunahan. Ang mga taong hindi mababakunahan sanhi ng isang medikal na kondisyon at iba pang “protected reason” ay ma-eexempt.
Ang kumpanya ay pahahabain ang kanilang work-from-home period, mula ika-1 ng Septyembre hanggang kalagitnaan ng Oktubre, dahil sa pag-aalala sa malubhang nakakahawang variant.
Plano ng Google na mas palawakin ang vaccination requirement sa kanilang mga empleyado sa labas ng US.
Ang kumpanya rin ng Facebook ay ire-require ang bakuna sa kanilang mga mang-gagawa sa US. Ngunit, papayagan pa rin silang ipag-patuloy ang kanilang teleworking kapag nailagay na sa kontrol ang pandemiya, hanggat hindi naaapektuhan ang kanilang trabaho.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation