Foreign students, nakiusap na papasukin na sila sa Japan upang makapag-simula ng kanilang pag-aaral

Humigit kumulang 60 na mga mag-aaral na magmula sa labas ng Japan ang sumali sa isang online event  upang ipahayag ang kanilang pagkabigo sa pagtanggi ng Japan na papasukin sila sa bansa sa gitna ng coronavirus pandemic noong Lunes. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspForeign students, nakiusap na papasukin na sila sa Japan upang makapag-simula ng kanilang pag-aaral

Humigit kumulang 60 na mga mag-aaral na magmula sa labas ng Japan ang sumali sa isang online event  upang ipahayag ang kanilang pagkabigo sa pagtanggi ng Japan na papasukin sila sa bansa sa gitna ng coronavirus pandemic noong Lunes.

Ang event, na inorganisa ng isang team na may kasamang mga representative ng Japanese school, ay para sa mga taong naghihintay pa rin sa kanilang sariling bansa na payagan sila ng gobyerno ng Japan na makapasok at makapag simula ng kanilang pag aaral. Ito ay naka-live stream.

Isang 25-taong-gulang na babaeng Italyano ang nakiusap sa gobyerno ng Japan na papasukin siya sa bansa, na nagsabing siya ay nabakunahan na at handa namang sumunod sa lahat ng kinakailangang mga patakaran.

Sinabi ng Japan’s Immigration Services Agency na ang bilang ng mga taong pupunta sa Japan upang mag-aral noong nakaraang taon ay humigit-kumulang na 49,000, na bumaba ng humigit-kumulang na 60 porsyento mula sa nakaraang taon.

Ito ay dahil sa mga paghihigpit sa paglalakbay ng gobyerno, na tumatanggi sa pagpasok ng lahat maliban sa mga nasa ilalim ng mga espesyal na kalagayan.

Plano ng mga organizers na i-publish ang mga opinyon ng mga kalahok sa online upang mapakinggan ng mas maraming tao.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund