ANG PAGTATAPOS NG COVID-19 QUARANTINE NG ISANG UGANDAN OLYMPIAN SA JAPAN

Ang nasabing miyembro ay nagpositibo sa Coronavirus sa Narita Airport sa pagdating ng team sa Japan noong Hulyo 19.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspANG PAGTATAPOS NG COVID-19 QUARANTINE NG ISANG UGANDAN OLYMPIAN SA JAPAN

Ang miyembro ng Olympic Team ng Uganda na kamakailang nagposotibo sa Coronavirus sa kanyang pagdating sa bansa ay nakabiyahe na patungong Kanluran , sa Japanese City na magho-host sa training camp ng atleta matapos nitong makumpleto ang 10 araw na quarantine.

Ang nasabing miyembro ay nagpositibo sa Coronavirus sa Narita Airport sa pagdating ng team sa Japan noong Hulyo 19, nanatili ang atleta sa isang State- Designed Facility. Dumating ang ang Ugandan Athlete na sa Lungsod ng Izumisano sa Prepektura ng Osaka sakay ng chartered bus noong Huwebes.

Ang walo pang miyembro ng kuponan ay nilipat sa Lungsod matapos magnegative sa Covid-19. Ngunit, isa sa kanila ang nagpositibo sa virus sa Izumisano. Ang natitirang pito ay itinalaga ng Health Authorities na may close contact sa taong infected at hindi maaring lumabas at umalis sa kanilang hotel hanggang Martes ng susunod na linggo.

Ang atletang dumating sa Izumisano noong Huwebes ay sinasabing mananatili sa ibang floor ng parehong hotel upang maiwasan ang contact sa kanyang team members.

Ayon sa mga City Authority, sila ay makikipagtulungan sa mga National at City Prefectural Officials upang magsagawa ng karagdagang mga tests at gumawa ng iba pang hakbang upang matugunan ang bagay na ito. Sinabi rin nila na kukunsulta din sila sa Health Centers sa pagpa-pasya kung kailan maaring magsimula ang team para sa kanilang training.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund