Inanunsiyo ng organizing conmmittee ng Tokyo Olympics na mayroong 21 katao at halos lahat dito ay mga manlalaro ang napag-alaman na nagkaroon ng close contact sa mga miyembro ng South African men’s soccer squad at staff na kamakailan ay nag-positibo sa pag-susuri sa coronavirus.
Dalawang manlalaro at isang miyembro ng support staff ang kamakailan na kinumpirmang mayroong impeksyon. Ang tatlong ito ay tumutuloy sa Athlete’s Village.
Ang South Africa ay naka-schedule na makipag-tunggali sa Japan ngayong Huwebes.
Ayon sa committee, ang mga manlalaro na nagkaroon ng close contact sa mga infected player ay maaaring magpa-tuloy sa pag-lalaro kung ang isina-gawang PCR test anim na oras bago ang palaro ay mag-resulta ng negative, kabilang pa sa ibang mga requirement.
Idinagdag ng committee na talo ang nag-positibo nuong Lunes. Mula July 1, inanunsiyo ng committee na may kabuoang 58 athletes at iba pang mga taong may kaugnayan sa Palaro ang nag-positibo sa pag-susuri.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation