2 INAKUSAHAN NG MANSLAUGHTER, MATAPOS MATAGPUAN ANG MGA LABI NG ISANG LALAKI SA DALAMPASIGAN

Matapos paulit-ulit na minartilyo ang biktima sa ulo, ikinarga ng mga ito si Komuro at isinakay sa isang fishing boat at itinapon sa Ise Bay.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

AICHI- Dalawang kalalakihan na naninirahan sa Prepektura ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kapulisan sa salang Manslaughter matapos matagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa isang beach sa Lungsod ng Tahara nitong nakaraang taon.

Nitong Huwebes, sina Tetsuo Sakai, 63, at Yoshiyuki Osaki, 58, ay iniharap sa prosecution sa salang Confinement at Manslaughter.

&nbsp2 INAKUSAHAN NG MANSLAUGHTER, MATAPOS MATAGPUAN ANG MGA LABI NG ISANG LALAKI SA DALAMPASIGAN

Noong Mayo, dinakip di umano ng mga akusado ang 70 taong gulang na si Hideo Komuro mula sa Lungsod ng Toyohashi at sapilitang isinakay sa sasakyan at dinala sa Bayan ng Minamichita.

Matapos paulit-ulit na minartilyo ang biktima sa ulo, ikinarga ng mga ito si Komuro at isinakay sa isang fishing boat at itinapon sa Ise Bay.

Nanirahan si Komuro sa Toyohashi. Ang kanyang mga labi ay natagpuan sa isang beach sa lugar ng Ehimacho sa Tahara. At ayon sa mga imbestigador na humahawak ng kaso, nakasaad sa autopsy report na ang sanhi ng kanyang pagkamatay ay pagkalunod.

Ang parehong suspek ay unang kinasuhan ng Murder ngunit binaba ito ng hukuman sa kasong Manslaughter. Tatlo pa ang kasabay nilang naaresto ngunit ang mga ito ay mga pawang napawalang sala.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund