Ipinahayag ng minister Japan para sa Tokyo Olympics and Paralympic Games na ang isang miyembro ng Ugandan Olympic na sinuri ay mag-positibo sa coronavirus nang ito ay dumating sa bansa ay infected ng Delta variant na unang nakita sa India.
Ang siyam na miyembro ng Ugandan team ay dumating sa Narita airport malapit sa Tokyo nuong Sabado. Ang impeksyon ng isang manlalaro ay na detect sa airport quarantine station.
Ang ibang mga miyembro ay inilipat sa Izumisano City sa Prepektura ng Osaka para sa training camp.
Kalaunan ipinahayag ng health authorities na ang mga ito ay nagkaroon ng close contact sa isang miyembro na nag-positibo sa impeksyon.
Ang ikalawang miyembro ay nag-positibo rin nuong Miyerkules.
Ipinahayag ni Marukawa Tamayo nitong Biyernes na pinag-aaralan na ng pamahalaan ang genome ng virus sa ikalawang kaso. Idinagdag pa nito na pinag-aaralan rin nila ang mga paraan kung papaano kaagad madetermine qt makapag-bahagi ng impormasyon kung paano mai-isolate at magamot ang isang tao at papaano mas pahigpitin ang quarantine para sa mga bagong dating.
Ipinahayag rin ng pamahalaan ng Izumisano City nitong Huwebes na 2 driver at 2 attendant ang kasama ng mga manlalaro sa loob ng bus at 3 opisyal ang napag-alaman na nagkaroon ng close contact sa miyembro ng grupo na mqy impeksyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation