Tutulong sa pagpapa-bilis sa pag-didistribute ng bakuna ang mga kumpanya at unibersidad

Kinumpirma ng mga Health authorities sa buong Japan ang mahigit 1,800 na bagong impeksyon ng coronavirus nuoang Martes.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspTutulong sa pagpapa-bilis sa pag-didistribute ng bakuna ang mga kumpanya at unibersidad

Sa Japan, ang mga kumpanya at mga unibersidad ay nag-aalok ng kanilang mga tulong sa pag-sisikap ng pamahalaan na mapa-bilis ang pagpapa-bakuna sa bansa. Ang pag-babakuna sa mga healthcare workers at mga naka-tatanda ay kasalukuyang binabakunahan na, ngunit ang presisyo ng pag-babakuna sa bansa ay nananatiling nasa ibaba pa rin ng 20 porsyento.

Papayagan ng pamahalaan ang mga kumpanya na bakunahan ang kanilang mga mang-gagawa simula sa ika-21 ng Hunyo. Mahigit 400 na kumpanya ang nag-apply.

Plano ng East Japan Railway Company na bigyan ng dalawang bakuna ang kanilang 22,000 train operators bago matapos ang taon. Habang ang Kansai Electric Power Company ay itinalaga ang kanilang limang doktor na nagta-trabaho sa kanilang head office at nuclear power plants na mag-administer ng bakuna sa kanilang mga mang-gagawa.

Mahigit 8 colleges sa buong Japan ang nag-babalak na mag-set-up ng inoculation sites. Keio University sa Central Tokyo ay nag-lalayon na mag-bakuna sa mahigit 50,000 staff members at estudyante.

Ang minister in-charge sa coronavirus response na si Nishimura Yasutoshi ay nag-release ng kanilang findings mula sa 993 kaso ng cluster infections na ini-ulat sa Japan nuong nakaraang buwan. Ang pinaka-malaking bilang ay naganap sa pasilidad para sa mga nakatatanda, na sinundan sa mga trabahuhan at mga paaralan.

Sinabi ni Nishimura na, “Ang ilang mga variants ay pinaniniwalaang mas nakaha-hawa. Isang mahigpit na anti-virus measure ang dapat isa-gawa, tulad ng pag-tatayo ng dividers, frequent ventilation at disinfecting. Kailangan na ipagpa-tuloy natin ang pag-gamit ng mask at panatilihin ang social distancing.”

Kinumpirma ng mga Health authorities sa buong Japan ang mahigit 1,800 na bagong impeksyon ng coronavirus nuoang Martes. Halos umabot ng 370 kataong mahawaan ng impeksyon ang taga-Tokyo, na siyang nasa ilalim ng emergency hanggang ika-20 ng Hunyo kabilang ang siyam na prepektura.

Source and Image: NHK World Japan

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund