Tokyo, nag-ulat nang ipanaka-unang posibleng kaso ng virus variant sa Japan

Sinabi nila na ang sample ay may kakulangan sa parte ng spike protein nito na nakitaan ng L452R mutation.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspTokyo, nag-ulat nang ipanaka-unang posibleng kaso ng virus variant sa Japan

Ang Tokyo Metropolitan Government ay nag-anunsiyo na isang tao ay maaaring na-hawaan nang isang coronavirus variant na nuo’y hindi pa nade-detect sa Japan sa labas ng airport quarantine stations.

Nuong Biyernes, ipinahayag ng isang opisyal na ang mga eksperto sa Tokyo Metropolitan Institute of Public Health ay nalaman ang virus sa isang sample mula sa isang lalaki na nasa kanyang 50’s na nag-babalik mula sa North Africa nuong kalagitnaan ng Mayo.

Ipinahayag rin ng mga opisyal na hindi naman nagkaroon ng close contact ang lalaki kanino man, at ang kanyang medical treatment ay kumpleto na.

Sinabi nila na ang sample ay may kakulangan sa parte ng spike protein nito na nakitaan ng L452R mutation.

Ayon sa mga opisyal, ang variant ay kumpirmado na sa 34 bansa, kabilang ang Germany, Estados Unidos at Britain.

Sinabi nila na patuloy silang magsasa-gawa ng genome analysis sa virus, bilang pakikipag-tulungan sa central government.

Ang Metropolitan Government ay nag-ulat rin ng 28 bagong kaso ng variant na unang natagpuan sa India, na mayroong L452R mutation, ay nakumpirma na sa Tokyo.

Sinabi rin nito na ang mga taong na-hawaan nang variants na may N501Y mutation ay may 83 porsyento na mga abgong kaso, na tumaas ng 1 porsyento nuong nakaraang linggo.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund