Naiulat ng Tokyo Metropolitan Government ang 501 na bagong covid cases noong Hunyo 16, ito ay unang pagkakataon sa loob ng 13 araw na lumagpas ang bilang sa 500.
Ang mga bagong kaso ay dumating matapos naitala ng kabisera ng Japan ang 337 na impeksyon noong Hunyo 15. Ang Tokyo ay nananatili sa ilalim ng isang pinalawig na estado ng emerhensiya.
Sa unang linggo ng Hunyo, ang Tokyo ay naitala ng isang average ng 422.9 na bagong mga impeksyon bawat araw. Ang mga numero ay bumaba mula sa pang-araw-araw na average ng 705.8 noong Mayo.
Pagsapit ng Hunyo 15, isang kabuuang 2,171 katao na ang namatay sa COVID-19 sa Tokyo.
Sa ngayon, ang Tokyo ay may naiulat na 167,416 impeksyon, pinakamarami sa loob ng 47 prefecture ng Japan. As of Hunyo 15, mayroong 1,377 mga pasyente na coronavirus ang nasa ospital, 45 sakanila ay may malubhang sintomas.
(Mainichi)
Join the Conversation