State-run site, mag-babakuna sa mga residente ng Kyoto at Hyogo

Simula sa Lunes, ang dalawang venues ay mag-sisimula nang tumanggap ng reservation mula June 14 hanggang June 27.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspState-run site, mag-babakuna sa mga residente ng Kyoto at Hyogo

Ang state-run, large-scale coronavirus vaccination site sa Osaka ay mag-sisimula nang mag-bakuna sa mga senior citizens mula sa katabing prepektura ng Kyoto at Hyogo ngayong Lunes.

Ang central government ay nag-bukas ng dalawang malalaking venues, isa sa Osaka at Tokyo, nuong ika-24 ng Mayo upang mapa-bilis ang pag-babakuna sa mga nakaka-tanda.

Ang kanilang pinag-samang pag-babakuna araw-araw ay nag-simula sa 7,500 shot at ito ay tumaas na sa 15,000.

Ang eligibility na magpa-bakuna sa Osaka site nuon ay para lamang sa mga residente ng Osaka City na nag-eedad ng 65 anyos pataas at kalauna’y naging available na rin sa mga residente ng Osaka Prefecture na pasok sa hanay ng edad na nabanggit.

Ang eligibility sa Tokyo venue ay orihinal na para lamang sa matatandang residente ng 23 wards ng kapitolyo.

Ito ay kalaunang ipinalawak sa pamamagitan ng pag-dagdag sa mga senior citizen na naninirahan sa ibang lugar na nasasakupan ng Tokyo, kabilang na din ang katabing prepektura ng Saitama, Chiba at Kanagawa.

Ang pagpapa-lawak ng serbisyo sa Tokyo venue ay napag-desisyonan nang maaga ng isang linggo kaysa sa itinalagang schedule nito.

Simula sa Lunes, ang dalawang venues ay mag-sisimula nang tumanggap ng reservation mula June 14 hanggang June 27.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund