MINE, Yamaguchi — isang 1-month-old na baby tiger ang ipinakita sa publiko sa isang zoo sa western Japan City.
Ang female cub na may timbang na ini-estimang nasa 1 kilogram ay ipinanganak nuong May 14, na siyang mabilis na lumalaki at kasalukuyang may bigat na 3 kilogram. Ayon kay Kayoko Arase ng Akiyoshidai Safari Land sales department, ang baby cub ay napaka”curious at affectionate.” Kasalukuyan ito ay umiinom na ng gatas na pang pusa at parating natutulog.
Ang cub ay maisasa-publiko sa loob ng isang glassed-in area ng animal petting zone ng zoo hanggang sa katapusan ng Agosto, at ilalakad sa paligid paminsan-minsan. Ang mga tao ay maaari rin na mag-cast ng kanilang boto sa kung ano ang itatawag sa baby cub sa isang ballot box na naka-lagay sa display area hanggang July 11.
Si Ibuki Fujimoto,3 taong gulang mula sa siyudad ng Hofu ay bumisita sa zoo, ito ay napa-ngiti pagka-kita sa baby tiger at nag-sabi na “It’s so fluffy.”
Sinabi ni Arase na “Ang panahon na makakita ang mga tao ng isang mabagsik na hayop ay kapag ito ay bata pa. Hinahangad ko na marami ang bumisita upang makita ang baby tiger habang ito ay maliit pa.”
(Japanese original by Sawako Mori, Yamaguchi Bureau)
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation