Nagka-sundo ang mga miyembro ng European Union na i-dagdag ang Japan sa listahan ng mga bansa mula sa mga non-essential travel na pahihintulutan na bumyahe kahit na mayroon pang dinaranas na coronavirus pandemic.
Ang kasalukuyang listahan ay binubuo ng pitong bansa kabilang ang Australia at South Korea. Ang Japan ay tinanggal nuong Enero sanhi ng pag-dami ng kaso ng impeksyon.
Ang kasunduan ay ginawa sa isang ambassador-level meeting nuong Miyerkules. Ito ay pormal na gagawin ngayong linggo.
Ang sources na malapit sa nasabing usapin ay nag-sabi na ang kasunduan ay base sa sitwasyon ng Japan kung saan nakita ng mga miyembro na ito ay stable na kumpara sa EU countries.
Ngunit ang pagko-control sa immigration ay maiiwan sa mga EU member, at ang bawat bansa ay maaaring pag-desisyonan ang pag-hiling ng mga negative COVID-19 test certificate mula sa mga byahero mula sa Japan, at kailanganin na sila ay sumailalim sa isang period of quarantine.
Plano rin ng EU na ipakilala ang isang uniform vaccination certificate system sa July habang ini-hahanda ang dahan-dahang pag-taas ng travel restrictions bago pa man dumating ang summer tourism season.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation