Policewoman nag-resign matapos makipag-talik sa kapwa pulis sa Koban

"Kami ay taos-pusong humihingi ng dispensa sa mga residente ng prepektura dahil sa pagka-wala ng tiwala dahil sa mga ginawang akto ng mga police officers," ayon sa isang representative ng Hyogo Prefectural Police.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPolicewoman nag-resign matapos makipag-talik sa kapwa pulis sa Koban

HYOGO (TR) – isang babaeng police officer na naka-talaga sa Nishinomiya City ay nag-resign sa kanyang trabaho matapos masiwalat na siya ay naki-apid sa dalawa niyang katrabaho, ayon sa ulat ng Nikkan Sports (May 28).

Nuong Biyernes, binigyan ng Hyogo Prefectural Police nang 10 porsyentong pay cut para sa tatlong buwan ang officer na dating naka-talaga sa Koshien Police Station. Subalit mas pinili niyang mag-resign sa mismong araw na iyun.

Sa pagitan ng buwan ng Agosto taong 2019 at Pebrero nang nakaraang taon, ang 29 anyos na officer ay regular na nakikipag-talik sa isang lalaking head patrol (26 anyos), sa isang break room ng Koban (Police Box) at sa isang opisina sa istasyon.

Matapos tapusin ang nasabing relasyon, siya naman ay muling regular na nakipag-talik sa isang 33 anyos na male sergeant sa loob ng station office sa pagitan ng mga buwan ng Marso at Mayo nuong nakaraang taon.

Ang mga nasabing gawain ng pakiki-apid ay nangyari habang ang mga nabanggit na opisyales ay naka-duty, at ang tatlo ay may kani-kaniyang pamilya. Ang pag-uusap sa mga nasabing gawain ay isina-gawa sa pamamagitan ng smartphone app na Line.

“Tama at Mali”

Lumabas ang usapin mula sa isang anonymous tip sa loob ng istasyon. Habang kini-kwestiyon, ang tatlong officers ay umamin sa mga alegasyon. “Hindi ko naisip ang tama at mali,” ayon sa babaeng officer.

Binigyan ng babala ang mga male officers. At nuong Biyernes, nag-resign na rin ang head patrol officer.

Ang kaso ay hindi kauna-unahang kaso na naisawalat sa prepektura sa taong 2020. Nuong nakaraang Marso, isang male sergeant na naka-talaga sa Higashi-Amagasaki Police Station ay binigyan ng disciplinary action sanhi ng pakikipag-talik nito sa katrabaho sa loob ng Koban.

“Kami ay taos-pusong humihingi ng dispensa sa mga residente ng prepektura dahil sa pagka-wala ng tiwala dahil sa mga ginawang akto ng mga police officers,” ayon sa isang representative ng Hyogo Prefectural Police.

Source and Image: Tokyo Reporter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund