Pinoy arestado matapos makasagasa at mapatay ang isang matandang babae na tumatawid sa kalsada

Noong gabi ng Mayo 31, isang 83-taong-gulang na babae ang nabangga ng kotse at namatay sa kalye sa Toyohashi City, Aichi Prefecture. Inaresto ng pulisya ang isang lalaking Pilipino na nagmamaneho ng kotse at patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng aksidente. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPinoy arestado matapos makasagasa at mapatay ang isang matandang babae na tumatawid sa kalsada

BALITA sa Chukyo TV

Noong gabi ng Mayo 31, isang 83-taong-gulang na babae ang nabangga ng kotse at namatay sa kalye sa Toyohashi City, Aichi Prefecture. Inaresto ng pulisya ang isang lalaking Pilipino na nagmamaneho ng kotse at patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng aksidente.

Ayon sa pulisya, dakong 11:00 ng gabi noong Mayo 31, sa Ihara-cho, Toyohashi City, si Sayoko Nakamura (83), walang trabaho at nakatira malapit sa lugar ay nagtangkang tumawid sa kalsada nang masagasaan siya ng isang kei na sasakyan na nagmula sa kaliwa.

Si Nakamura ay napuruhan ng husto sa kanyang kaliwang dibdib at dinala sa ospital, ngunit namatay pagkaraan ng isang oras. Inaresto ng pulisya si Fland Milton Roda (52), isang Pilipino na naninirahan sa Matsusaka City, Mie Prefecture, na nagmamaneho ng isang kei car, sa reckless driving resulting to injury.

Inamin naman ng kababayan natin ang kanyang pagkakasala, nang namatay ang biktima matapos ang isang oras na naitakbo pa ito sa hospital, pinalitan ang kasong isinampa at naging reckless driving resulting to death na may mas mahigpit na parusa.  Patuloy pa din na iniimbestigahan ang sanhi ng aksidente.

BALITA sa Chukyo TV

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund