Pag-aaral sa Japan ukol sa long-term effects ng COVID-19, isinawalat

Ito ay nagpapa-kita na 60 porsyento ng mga respondent ay nakaramdam ng pagka-buti ng kanilang pang-amoy, habang 84 porsyento ay nag-sabi ng ang kanilang pang-lasa ay bumuti rin.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPag-aaral sa Japan ukol sa long-term  effects ng COVID-19, isinawalat

Ang pansamantalang resulta ng Japanese research sa long-term effects ng coronavirus ay nag-papakita na ang ilang tao ay nakararanas ng fatigue, pag-lalagas ng buhok o iba pang sintomas anim na buwan matapos silang ma-diagnose na nahawaan ng sakit.

Tatlong study group sa health ministry ang nagsa-gawa ng reseach.

Isang team na kasali ang Keio University Professor na si Fukunaga Koichi ay tinanong ang 246 na katao na na-ospital dahil sa coronavirus infection kung ano o kung meron man silang naramdaman na sintomas pagka-lipas ng anim na buwan matapos masabihan na sila ay nahawa ng virus.

Mahigit 80 porsyento ng mga respondents ay nag-sabi na sila ay nakararamdam na ang kalusugan nila ay bumuti kaysa nuong bago sila mahawa.

Ang survey ay nagpa-kita rin na 21 porsyento ay nag-report ng sense of fatigue, 13 porsyento naman ay hinahapo, 11 porsyento ay nag-reklamo na sila ay nahihirapan maka-tulog at 10 porsyento ay nakararanas ng pagka-lugas ng buhok.

Ang isa namang team na kasama ang Kanazawa Medical University Professor na si Miwa Takaki ay nag-survey sa 251 naa katao na nag-eedad nang 60 anyos pababa na mga na-ospital o nag-self isolate sanhi ng coronavirus infection nuong panahon na isina-gawa ang pag-tatanong.

37 porsyento ang nag-sabi na nakaramdam sila ng parehong abnormal sa kanilang panlasa at pang-amoy, 20 porsyento naman ang naka-pansin na ang kanilang pang-amoy lamang ang nagkaroon ng pagbabago, at 4 porsyento ay may abonormalities sa kanialng pan-lasa.

Nagsa-gawa ulit ang team ng follow-up survey isang buwan matapos silang maka-labas sa ospital o pagka-tapos ng kanilang self-isolation.

Ito ay nagpapa-kita na 60 porsyento ng mga respondent ay nakaramdam ng pagka-buti ng kanilang pang-amoy, habang 84 porsyento ay nag-sabi ng ang kanilang pang-lasa ay bumuti rin.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund