Mga paaralan sa Okinawa nag-sara, dahil sa state of emergency

Ang pag-laganap ng coronavirus infections sa Okinawa ay talaga namang naka-bibigla sa medical system ng prepektura. Okinawa ay mayroong pinaka-mataas na bilang ng bagong kaso per capita sa buong 47 prepektura ng Japan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMga paaralan sa Okinawa nag-sara, dahil sa state of emergency

Maraming paaralan sa southern prefecture ng Okinawa sa Japan ay pansamantalang isasara simula sa Lunes upang maka-iwas sa pag-kalat ng coronavirus infections.

Ang Okinawa ay sumailalim sa state of emergency mula nuong May 23. Kinumpirma ng mga opisyal ng prepektura ang 183 na bagong kaso ng coronavirus nitong Linggo. Ito ay mababa ng 88 katao mula nuong nakaraang linggo. Halos 20 porsyento na bumubuo sa nasabing mga kaso ay mga teenager at mga bata.

Maraming paaralan ang mag-sasara upang mapigilan ang pag-kalat ng impeksyon sa mga kabataan. Ang mga paaralan sa prepektura kabilang ang mga high schools at junior high school ay mag-sasara hanggang sa June 20, na may exception sa apat na paaralan sa hilaga bahagi ng prepektura at isang isla na may kakaunti lamang na kaso ng impeksyon.

Karamihan sa mga paaralan ng elementary school at junior high school, sa central hanggang southern part ng main island ay isasara hanggang sa ika-20 ng Hunyo.

Ang lungsod ng Ishigaki, na isang remote island ay nag-deklara na ng sariling state of emergency, ipina-sara ang mga paaralan nitong Miyerkules hanggang sa Linggo.

Samantalang, halos lahat ng munisipalidad sa main island sa northern area at iba pang lugar sa mga remote islands ay pinapanatiling bukas ang kanilang mga paaralan.

Ang pag-laganap ng coronavirus infections sa Okinawa ay talaga namang naka-bibigla sa medical system ng prepektura. Okinawa ay mayroong pinaka-mataas na bilang ng bagong kaso per capita sa buong 47 prepektura ng Japan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund