Nag-sisimula nang mag-handa ang mga kumpanya sa Japan upang isa-gawa ang pag-babakuna para sa coronavirus sa kani-kanilang kumpanya dahil plano ng pamahalaan na simulan ang pag-babakuna sa ika-21 ng Hunyo.
Isiniwalat ng pamahalaan ang plano nuong Martes, sa layuning mapa-bilis ang pag-babakuna. Ang mga unibersidad ay maidadagdag sa listahan ng mga inoculation venues.
Planong gamitin ng Sumitomo Life Insurance Company ang kanilang opisina sa Tokyo at Osaka upang makapag-bakuna ng 4,000 katao sa bawat lungsod matapos mabakunahan at masigurado ang mga doktor at nurses.
Ipinahayag ni Executive Officer Kawaguchi Kensei na ang pinaka-malaking pag-subok ay ang pag-likom ng supply ng bakuna. Sinabi niya na ang kanyang kumpanya ay kukunsulta sa nasabing usapin sa mga opisyal ng pamahalaan.
Kinu-kunsidera rin ng Electronic maker na Fujitsu na simulan ang pag-babakuna ng kanilang mga mang-gagawa na nag-tatrabaho sa Tokyo at ang kalapit na prepektura ng Kanagawa.
Plano rin ng Sony Group na bakunahan ng kanilang corporate doctors ang kanilang mga mang-gagawa sa kanilang mga opisina.
Magsasa-gawa rin ng pag-babakuna sa kanilang mga opisina ang Toyota Motor, SoftBank Group, e-commerce retailer Rakuten, at online flea-market operator Mercari.
Ang TKP, na siyang nag-ooperate ng mga rental office businesses, ay nag-sabi na sila ay mag-bibigay ng mga meeting rooms nang libre para ang mga kumpanya ay mag-karoon ng mga lugar upang isa-gawa ang pag-babakuna sa kanilang mga mang-gagawa. Sinabi nito na ang libreng serbisiyo ay para sa mga maliliit na negosyo na wala o may kakulangan sa mga klinika o malalaking meeting rooms.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation