Plano ng pamahalaan ng Japan na mag-bigay ng maraming suporta sa mga dayuhang naninirahan sa bansa na nawalan ng trabaho sanhi ng coronavirus pandemic.
Ipinahayag ng labor ministry na ayon sa isang tala mayroong mahigit 1.72 milyong dayuhan ang nag-tatrabaho sa bansa hanggang buong Oktubre.
Ang ilan sa mga dayuhang residente na nawalan ng trabaho ay sumangguni sa mga pampublikong hanapan ng mga trabaho.
Nananawagan rin ang ilang mga aid group sa lahat upang magkapa-ayos ang kanilang pakikipag-tulungan.
Biglang pag-tugon sa tawag, nag-isyu ng report ang labor ministry nuong Huwebes para sa pag-tulong sa mga dayuhan, base sa pag-pupulong na isina-gawa kasama ang mga eksperto nuong Marso.
Ang report ay humihiling ng mas madaming bilang ng mga tagapag-salin sa mahigit na 140 job placement centers sa area kung saan maraming dayuhan ang naninirahan.
Nag-bigay ito ng suhestiyon na dapat mag-share ang ministeryo ng mga impormasyon ukol sa mga walang trabahong dayuhan sa mga aid group upang makalakap ng mas maraming tulong upang makahanap ng bagong trabaho at masuportahan ang kanilang pang-kabuhayan.
Ipinapahayag rin sa report na dapat makipag-ugnayan ang ministeryo sa Immigration Services Agency upang ma-assessment ang sitwasyon.
Sinabi ng ministeryo na pag-iisipan mabuti ang mga suhestiyon upang maka-gawa ng tamang hakbang upang harapin ang problema.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation