Isang pag-susuri ang gumamit ng mga aso upang amuyin at matukoy ang coronavirus na maaaring lumaganap muli sa buong mundo.
Ang mga mananaliksik sa London School of Hygiene & Tropical Medicine ay nakipag-anib sa ibang grupo na nag-tuturo sa mga hayop na gamitin ang kanilang malakas at pambihirang pang-amoy upang mapag-alaman kaagads ang karamdaman.
Nuong nakaraang buwan, ipinahayag nila na ang unang phase ng pag-susuri ay nagpa-kita ng anim na aso na mataas ang pagka-epektibo ng pag-tuklas ng amoy ng coronavirus sa pamamagitan ng mga odor sample na kinuha mula sa mahigit 3,000 katao.
Isinasa-gawa na rin ang mga kaparehong pag-aaral sa University of Pennsylvania sa United States at Chulalongkorn University sa Thailand.
Ang mga aso ay gina-gamit sa mga trial basis nang mga paliparan sa Finland upang ma-detect ang mga taong nangangailangan ng pag-susuri.
Ipinahayag ng mga eksperto sa University of London na ang mga hayop ay mayroong potensiyal na magkaroon ng mabilis na paraan upang madaling mapag-alaman ang mga taong hindi naka-raramdam ng mga sintomas.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation