Lalaki, arestado matapos itulak ang isang nanay na naka-bike na angkas ang kanyang dalawang anak

Inaresto ng pulisya sa Neyagawa, Osaka Prefecture ang isang 29 taong gulang na lalaki, walang trabaho sa kasong physical assault matapos niyang itulak ang isang babae at dalawang anak nito sa kanilang bisikleta at bumagsak sila sa gilid ng kalsada. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

OSAKA

Inaresto ng pulisya sa Neyagawa, Osaka Prefecture ang isang 29 taong gulang na lalaki, walang trabaho sa kasong physical assault matapos niyang itulak ang isang babae at dalawang anak nito sa kanilang bisikleta at bumagsak sila sa gilid ng kalsada.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4:55 ng hapon. noong Mayo 28, iniulat ng Sankei Shimbun. Sinabi ng pulisya na ang 36-taong-gulang na babae ay nakasakay sa bike angkas ang kanyang dalawang anak na may edad na 6 at 1, nang kusa siyang itulak ni Kentaro Watanabe at bumagsak sila sa kalsada.

May isang eyewitness na pumunta sa pulis at iniulat ang insidente sa isang malapit na koban (police box). Si Watanabe ay naaresto sa lugar ng pinangyarihan. Sinabi ng pulisya na hindi umamin ang suspect at ayon sa kanya, “Nabunggo ko lang ang bisikleta na dumaan malapit sa akin. Hindi ko ito sinasadya. ”

Ang babae at ang kanyang mga anak ay nagtamo ng menor na sugat sa kanilang mga braso at binti.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund