MIE – Inaresto ng Mie Prefectural Police ang isang 37 taong gulang na lalaki matapos na madiskubre ang bangkay ng kanyang ama sa kanilang tirahan sa Yokkaichi City, ulat ng Fuji News Network (Hunyo 24).
“Nais kong ipagpatuloy ang pagtanggap ng [kanyang] pensiyon,” sabi ni Mitsuharu Fukuyama sa pag-amin sa mga paratang sa pag-abandona sa isang bangkay
Bumisita ang ina at kapatid na babae ng suspek noong Miyerkules kumg saan tumambad ang mga labi ng 71 anyos na si Mitsuyuki.
Ayon sa mga imbestigador magkasamang naninirahan ang mag-ama sa bahay na iyon.
Ang nabubulok na katawan ay hindi kinakitaan ng ano mang palatandaan ng panlabas na sugat. Naniniwala ang mga pulis na ang biktima ay ay namatay ng ilang buwan bago ang pagkakatuklas
Kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng pagkamatay
Source : Tokyo Reporter
Image: Gallery
Join the Conversation