Share
TOKYO (TR) – Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang lalaki,42, dahil sa umano’y panggagahasa sa anak na babae ng isang kakilala, ulat ng TBS News (Hunyo 25).
Noong nakaraang buwan, si Hirokazu Tanaka, isang part-time na empleyado, ay sinasabing hinawakan sa dibdib ang isang highschool student, na nakatira sa Lungsod ng Komae.
Hindi binanggit ng kapulisan kung umamin ang suspek sa mga paratang ng Indecent Assault.
Si Tanaka, na nakatira sa Itabashi Ward, at regular na bumibisita sa tirahan ng kanyang kaibigan sa nagdaang 12 taon, dagdag pa ng mga awtoridad.
Pinaniniwalaan ng kapulisan na regular na inaabuso ng suspek ang batang babae sa loob ng mga panahong iyon.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation