Labi ng matandang mag-asawa, natagpuan sa loob ng naka-selyadong fridge.

Naninirahan sa nasabing tahanan ang matandang mag-asawa at ang kanilang ikalawang anak na lalaki.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ito ang bahay na kung saan natagpuan ang labi ng mag-asawa sa Nishi Ward ng Fukuoka nitong June 29, 2021

FUKUOKA — isang lalaki at babae na pinaniniwalaan na ang matadang mag-asawa ay natagpuang patay sa loob ng isang hindi naka-saksak na industrial refrigerator sa isang bahay sa Nishi Ward ng Fukuoka, southwest Japan, napag-alamqn ng Mainichi Shimbun mula sa isang source na malapit sa imbestigasyon nitong June 29.

Maingat na iniimbestigahan ng Fukuoka Prefectural Police ang kaso habang sinusubukan na kilalanin ang mga labi.

Ayon sa isang source, isang konsultasyon ang natanggap ng prefectural police nuong hapon ng June 28 mula sa kamag-anak ng tatlong naninirahan sa nasabing bahay, sinabi nito na hindi nila ito makontak. Agadna pinuntahan ng mga pulis ang nasabing tirahaan, kung saan nila natagpuan ang labi sa loob ng refrigerator. Ang refrigerator ay tila selyado gamit ang isang tape.

Naninirahan sa nasabing tahanan ang matandang mag-asawa at ang kanilang ikalawang anak na lalaki na nag-eedad bandang nasa 50’s, ang gusali ay nag-sisilbing tahanan at tindahan ng alak. Ang natagpuang labi ay pinaniniwalaang sa matandang mag-asawa. Kasalukuyang hinahanap ng prefectural police ang anak na lalaki, na hindi pa rin nila nako-kontak na maaaring may impormasyon ukol sa naganap na krimen.

(Japanese original by Yoshihito Asano and Rokuhei Sato, Kyushu News Department)

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund