Koike, mananatili pa rin sa ospital upang magpa-galing

Kalauna'y kinumpirma ng pamahalaan ng Metropolitan na ang huli ay lumiliban pansamantala sa kanyang mga opisyal na trabaho upang magpa-gamot.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

 Pansamantalang mananatili sa kautusan ni Deputy Governor Mitsuchika Tarao ang pamamalakad sa mga official duties, “kailangan pa ng ilang araw na pamamahinga ayon sa mga doktor,” ayon sa pahayag ng pamahalaan ng Tokyo Metropolitan.

Ito ay hindi na nag-bigay pa ng detalye ukol sa kalagayan ng gobernador at hindi rin nag-bigay ng pahintulot ang mga opisyal na mag-bigay ng pahayag sa isang government office sa labas ng normal na working hours.

Ipinahayag ng public broadcaster na NHK na pahahabain pa ang pagpapa-hinga ni Koike ayon sa preskripsyon ng mga doktor, matapos itong dalhin sa ospital nuong Martes sanhi ng fatique o pagka-pagod.

Kalauna’y kinumpirma ng pamahalaan ng Metropolitan na ang huli ay lumiliban pansamantala sa kanyang mga opisyal na trabaho upang magpa-gamot.

Ipinapa-bilis ng Japan ang mga paghahanda para sa Tokyo 2020 Olympics, na siyang mag-sisimula sa susunod na linggo.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund