Ang spokesman ng pamahalaan ng Japan ay nag-anunsiyo ng kanilang plano sa pagsasa-gawa ng coronavirus vaccination sa mga trabahuhan at mga unibersidad upang mapa-bilis ang pag-babakuna sa bansa.
Ipina-hayag ni Chief Cabinet Secretary Kato Katsunobu sa mga reporters nuong Martes na ang mga pag-babakuna sa mga nasabing lugar ay mag-sisimula sa ika-21 ng Hunyo. Idinagdag pa niya na ang mga hakbang ay idiniseniyo upang mabawasan ang imposisyon sa mga munisipalidad at mapa-bilis ang programa ng pag-babakuna.
Ang unang hakbang na iginawa ng Japan ay unang ma-bakunahan ang mga healthcare workers. Ang mga vaccine shots ay kasalukuyang ina-administer sa mga senior citizens.
Sinabi rin ni Kato na maaaring mag-simula ang pag-babakuna ng mga munisipalidad sa mga trabahuhan at unibersidad matapos bakunahan ang lahat ng mga naka-tatanda.
Ipina-hayag rin niya ang kanyang hangad na mapa-bilis ang vaccination program, sa pag-babakuna sa mga trabahuhan at unibersidad para sa mga mang-gagawa at mag-aaral at iba pang mga miyembro ng komyunidad.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation