Napag-desisyonan ng Health Ministry ng Japan na palawakin ang pag-gamit ng coronavirus vaccine ng US pharmaceutical company Pfizer sa pampublikong programa ng pag-babakuna kabilang ang mga batang nag-eedad ng 12 anyos hanggang 15 anyos.
Ang bakuna, na idinevelope ng Pfizer at ang German partner nito na BioNTech ay ang siyang kasalukuyang ginagamit ng ministry’s inoculation program.
Ipina-hayag ng mga developers na nakumpirma na nila ang pagka-epektibo at kaligtasan sa pag-gamit ng bakuna sa mga kabataang nag-eedad ng 12 anyos hanggang 15 anyos mula sa mga clinical test na isina-gawa sa Estados Unidos.
Matapos matanggap ang kanilang datos, napag-desisyonan ng ministeryo nuong nakaraang linggo na babaan ang age limit para sa public inoculation program, at inaprubahan naman ng advisory panel ang plano nuong Lunes.
Kailangan ng parental consent ng mga kabataang nasa 12 anyos hanggang 15 anyos bago mabakunahan. Plano rin ng health ministry na ito ay iparating sa mga lokal na pamahalaan ang napag-desisyonan sa lalong madaling panahon.
Napag-diskusyonan nuong Miyerkules sa isang panel meeting na ang mga partisipante ng nasabing pag-pupulong para sa pag-babakuna para sa mga mag-aaral ng Junior at Senior High School
Sinabi ng isang opisyal ng ministeryo sa kalusugan sa pagpupulong na maingat na isasaalang-alang ng ministeryo ang posibilidad ng naturang mga pag-babakuna sa pangkat. Binanggit ng opisyal ang pag-aalala sa peer pressure ay maaaring makaapekto sa mga desisyon tungkol sa pag-babakuna.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation