Plano ng pamahalaan ng Japan na simulan ang 6 na araw self-isolation period para sa mga byaherong pumapasok sa bansa mula sa Vietnam at Malaysia.
Ang dahilan ng nasabing hakbang ay matapos mag-ulat ng Vietnamese authorities na sila ay naka-diskubre ng bagong variant na may characteristics ng India at UK variants. Ito rin ay ini-labas sa gitna ng mabilis na pag-taas ng kaso ng coronavirus variant sa Malaysia.
Ang pamahalaan ay nagpa-plano na sabihan ang mga byahero na dumarating mula sa dalawang bansa na mag-stay sa mga accomodations na itinalaga ng pamahalaan.
Ang mga nagsisi-dating mula sa India at lima pang bansa ay kasalukuyang kina-kailangang mag-stay sa nasabing mga akomodasyon sa unang 10 araw ng dalawang linggong quarantine period kasunod ng pag-kalat ng India variant sa nasabing bansa.
Plano rin ng Japan na idagdag ang mga byaherong galing sa Afghanistan sa listahan ng mga naka-subject na manatili ng 10 araw sa mga itinalagang akomodasyong ng pamahalaan, pati na rin ang mga nang-galing sa Thailand at ilang parte ng Estados Unidos na manatili ng 3 araw sa mga nabanggit na akomodasyon.
Ang mga taong ito ay kina-kailangan na mag-undergo sa virus tests sa regular basis habang nasa akomodasyon. Kung sila ay nag-negatibo mula sa pag-susuri, maaari silang mag-self isolate sa kanilang mga tahanan o saan man sila mananatili.
Nais ng pamahalaan na ipa-tupad ang hakbang ngayong Biyernes.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation