Isang oso ang binaril at namatay matapos mamataan sa isang commercial residential area sa Lungsod ng Sapporo sa Hokkaido, northern Japan nitong Biyernes. Ayon sa mga pulis, ang oso ay inatake at nakapinsala nang 4 na katao.
Isang lokal na residente ay nag-sabi sa pulis na bandang alas-3:30 ng madaling araw may namataang oso na tumatakbo sa isang kalsada sa bandang Higashi District ng lungsod.
Ipinahayag ng pulis na sila ay nakatanggap ng mahigit 30 report sa nakitang oso sa buong area bandang alas-10:00 ng umaga.
Sinabi nila na inatake ng oso ang isang nasa 70 anyos na lalaki at isang nasa 80 anyos na babae mahigit 1 kilometro ang layo kung saan ito unang namataan. Ang dalawa ay nag-tamo ng kaunting pinsala.
Idinagdag pa ng mga pulis na dalawang kalalakihan na nasa kanilang 40’s ay inatake rin at ang isang ay nabalian ng tadyang.
Ang oso ay nagpa-libot-libot sa mahigit na 2 kilometro palibot sa buong lugar sa loob ng 8 oras habang hinahabol ito ng mga kapulisan.
Makalipas ang ika-alas 11 ng umaga, binaril at napatay ng mga hunters ang oso habang ito ay nasa kakahoyan malapit sa airport district.
Ang lalaking oso ay nasa mahigit 1.6 metro kahaba at tumitimbang nang mahigit 158 kilograms.
Ang insidente ay nag-sanhi para pansamantalang isara ang mga paaralan at pagka-kansela sa 8 flights sa paliparan.
Ipinahayag ng mga opisyal sa Sapporo na ito ay unang pagkakataon sa loob ng 20 taon na umatake at naka-panakit ang isang oso.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation