IBARAKI – Inaresto ng Ibaraki Prefectural Police ang isang Indonesian na magsasaka ng dahil sa damage sa isang patrol car matapos ipakita sa kanya ang video na binugbog ang isang driver sa bayan ng Oarai noong Sabado, ulat ng TBS News (Hunyo 27).
Pasado 7: 00 ng umaga, nakatanggap ang kapulisan ng isang tip tungkol sa isang “foreigner assaulting” ang driver ng isang pampasaherong sasakyan malapit sa isang intersection.
Sa footage na nai-post sa social media, ang suspek, na walang damit, nakahawak sa bintana ng sasakyan at hinila ang pinto, pagkatapos ay nagsimula niyang paulit-ulit na sinusuntok ang driver gamit ang parehong kamao.
Ang isang patrol car pagkatapos ay dumating sa lugar.
Sa ibang footage, ang parehong suspek, na hubo’t hubad pa rin, ay umakyat sa ibabaw ng patrol car at paulit-ulit na tumatalon sa hood.
Nang maglaon ay inaresto ng mga awtoridad si Denny Pieterson Makagansa, 39, isang agricultural assistant na nakatira sa Lungsod ng Hokota, sa salang causing property damage. Ayon sa mga pulis inamin ng suspek ang mga paratang sa kanya.
Kasalukuyang patuloy ang pagiimbestiga ang isinasagawa ng kapulisan kasama ang pag-atake ng suspek sa driver.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation