ISANG BUWAN BAGO ANG NALALAPIT NA TOKYO OLYMPIC GAMES

Ang Palaro ay magbubukas sa Hulyo 23, pagkatapos ng isang taon ng pagpapaliban dito dahil sa pandemya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspISANG BUWAN BAGO ANG NALALAPIT NA TOKYO OLYMPIC GAMES

Sakto sa isang buwan ngayong Miyerkules bago magsimula ang Tokyo Olympic Games. Walang katiyakan ang bilang ng mga taong manunuod, ngunit ang paghahanda ay kasalukuyang isisnasagawa para sa pagdating ng mga atleta na magmumula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ang Palaro ay magbubukas sa Hulyo 23, pagkatapos ng isang taon ng pagpapaliban dito dahil sa pandemya.

Ang lahat ng humigit-kumulang 11,000 mga kwalipikadong atleta ay inaasahang mapangalanan sa loob ng buwan na ito.

Simula sa Hulyo 1, ang mga patakaran ng Anti- Infection Rules na naka-outline sa Tokyo 2020 Playbooks ay mahigpit na ipapatupad. Samantalang ang Athlete’s Village ay magbubukas ng Hulyo 13.

Inaasahang makikita ang mga atleta na nagkalat sa buong Japan para sa kanilang mga training camps.

Para sa mga manonood, nagpasya ang mga opisyal noong Lunes na limitahan ang bilang ng mga tao sa 50 porsyento sa bawat venue capacity na may maximum 10,000 na kapasidad. Ngunit hindi inaalis ang posibilidad na onti ang mga manunuod ng palaro kung magde-declare ng State of Emergency.

Ang Organizing Committee ay nakatakdang ipahayag sa Miyerkules ang mga detalye kung paano makukuha ang mga tiket.

Pinapanatili din ng mga organizers ang mahigpit at maingat na pagbabantay sa sitwasyon ng impeksyon at mga epekto nito sa mga lokal na serbisyong medikal.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund