ISANG BANGKAY ANG NATAGPUAN SA ISANG SUNOG NA SASAKYAN SA FUKUI POLICE STATION

Kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima at ang sanhi ng pagkasunog ng sasakyan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Isang bangkay ang natagpuan sa loob ng isang sunog na sasakyan sa Sakai Police Station nitong umaga ng Martes. (Twitter)

FUKUI – Isang bangkay ang natagpuan sa loob ng sasakyan matapos itong masunog sa himpilan ng pulisya sa Sakai City noong Martes, ulat ng NHK (Hunyo 22).

Pasado alas-3:00 ng madaling araw, inalerto ng isang opisyal ng kapulisan ang Local Fire Department matapos makita ang nagaapoy na pampasaherong sasakyan habang ito ay nasa isang parking lot ng Sakai Police Station.

At 20 minutos matapos maapula ang sunog, isang bangkay ang natagpuan sa driver’s seat.

Ang sasakyan ay nakaparada sa isang liblib na bahagi ng nasabing paradahan. Wala ang nasabing sasakyan dakong 6:00 pm ng nakaraang araw, kung kaya’t pinaniniwalaan ng kapulisan na pumarada ang nasabing sasakyan ng gabing iyon lamang.

Kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima at ang sanhi ng pagkasunog ng sasakyan kung saan ito natagpuan.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund