Ipakikilala ng Japan ang JIS certificate para sa face mask

Ang mga certified masks ay inaasahang na kinakailangang maka-block ng mahigit 95 porsyento ng mga droplets, maliliit na particles o pollen.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIpakikilala ng Japan ang JIS certificate para sa face mask

Plano ng pamahalaan ng Japan na gumawa ng isang national quality standard para sa mga face masks.

Ang pagpapa-kilala ng Japanese Industrial Standards o JIS para sa mga face mask ay lumalayon na maka-tulong sa mga mamimili na maka-pamili ng mga ligtas na produkto at malimitahan ang pag-kalat ng malubhang naka-hahawang coronavirus variants.

Simula nang lumaganap ang pandemya, iba’t-ibang mask na ang naipakilala sa merkado. Ngunit wala pang official standard sa Japan upang ma-regulate ang kwalidad nito.

Ang JIS mark ay mailalagay sa mga face mask na pumasa sa pag-susuri base sa ilang criteria, tulad nang permeability at kapasidad nito sa pag-block sa mga droplets. Ang mask na gawa sa anumang hugis o material ay maaaring mabigyan ng sertipikasyon basta naka-pasa ito sa mga nabanggit na criteria.

Ang mga certified masks ay inaasahang na kinakailangang maka-block ng mahigit 95 porsyento ng mga droplets, maliliit na particles o pollen.

Ang pamahalaan ay nakikipag-tulungan sa mga industrial bodies at nais na maibenta agad ang mga certified masks sa pinaka-mabilis na panahon.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund