Ilan sa 3,500 na mga lungsod na nag-boluntaryo, umatras sa Olympics Games

Sinabi naman ng mga prepektura na ang pag-aatras ng mga boluntaryo ay hindi maka-aapekto sa pag-papatuloy ng palaro. Ayon pa sa mga ito, sila ay gagawa ng paraan upang ma-ibsan ang mga pangamba ng mga boluntaryo, sa pamamagitan nang pagpapaliwanag ng maayos na  habang nagte-training session may mga susundin na hakbang upang masiguro na mapigilan ang pag-kalat ng impeksyon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspIlan sa 3,500 na mga lungsod na nag-boluntaryo, umatras sa Olympics Games

Napag-alaman ng NHK na mahigit 3,500 mula sa 40,000 na “City Volunteers” na na-recruit upang umakto bilang city guides sa panahon ng Olympics at Paralympic Games sa Tokyo ay nagsipag- atrasan.

Ito ay karagdagan rin sa mahigit 10,000 sa loob ng 80,000 na “Field cast” volunteers, na sa kadahilanan raw ng kanilang mga schedule sa trabaho at mga events sa athlete’s village ay umatras rin nuong Martes.

Siyam mula sa 11 prefectural governments na na-recruit bilang City volunteers ay ipinasa na ang kanilang balota sa pag-aatras sa nasabing palaro.

Nangunguna sa listahan ang prepektura ng Chiba sa bilang na 1,083 withdrawals nuong nakarang katapusan ng buwan, na sinundan naman ng Miyagi sa mahigit 800 bilang at Fukushima sa bilang na mahigit 630.

Ang kabuoang bilang ay inaasahang tataas kapag ang mg prepektura ng Tokyo at Saitama ay kinumpirma ang kani-kanilang mga bilang.

Ayon sa prepektura, marami sa mga kabuhayan ng mga boluntaryo tulad ng kanilang trabaho o pag-aaral ay nag-bago na mula ng pansamantalang ipina-tigil ang palaro.

Ayon sa kanila, marami ang umatras dahil sa pangamba ng pag-kalat muli ng coronavirus.

Ang iba naman ay nag-sabi na hindi na nila kailangan ng rason upang mag-participate sa kadahilanang wala namang mga overseas spectators. Ang iba naman ay nangangamba sa opinion ng publiko, kung saan hati ang mga desisyon ng mga munisipalidad sa pag-papatuloy o hindi nang nasabing palaro.

Sinabi naman ng mga prepektura na ang pag-aatras ng mga boluntaryo ay hindi maka-aapekto sa pag-papatuloy ng palaro. Ayon pa sa mga ito, sila ay gagawa ng paraan upang ma-ibsan ang mga pangamba ng mga boluntaryo, sa pamamagitan nang pagpapaliwanag ng maayos na  habang nagte-training session may mga susundin na hakbang upang masiguro na mapigilan ang pag-kalat ng impeksyon.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund