TOKYO – Plano ng Japan na hilingin sa mga Olympic Athletes mula sa India at limang iba pang mga bansa na tinamaan ng labis na nakahahawang Delta Variant ng coronavirus na magkaroon ng daily virus tests sa pitong araw bago umalis para sa Palaro, ayon sa isang Japanese Newpaper noong Linggo.
Sa kasalukuyan, ang lahat ng mga atleta mula sa ibang bansa ay hinihiling na magkaroon ng mga pagsusuri sa coronavirus dalawang beses sa 4 day period bago ang kanilang pag-alis para sa Tokyo Olympics, na nakatakdang magsimula sa Hulyo 23 pagkatapos ng pagkaantala ng isang taon dahil sa pandemya.
Nilalayon ng gobyerno ng Japan na mailagay ang bagong panuntunan, na ilalapat sa mga atleta mula sa India, Maldives, Nepal, Pakistan, Sri Lanka at Afghanistan, na magkakabisa sa Hulyo 1, iniulat ng Yomiuri Shimbun.
Sinabi ng Olymoics Minister na si Tamayo Marukawa noong Biyernes na ang isang miyembro ng Ugandan Olympic Team na positibo sa coronavirus Delta variant, na nagdaragdag sa pag-aalala na ang Palaro ay maaaring maging sanhi ng bagong wave ng mga impeksyon.
Source and Image: Tokyo Reporter
Join the Conversation