KAGOSHIMA (TR) – ina-resto ng Kagoshima Prefectural Police ang isang 24 anyos na babae sa kasong pag-iwan sa labi ng isang bagong silang na lalaking sanggol sa kanilang tahanan sa Kagoshima City, ayon sa ulat ng Fuji News Network (May 26).
Nuong ika-9 ng Mayo, si Miyuki Kawabata, walang trabaho ay inalerto ang emergency services. “Limang araw na ang naka-lilipas, ako ay nanganak sa bahay ngunit ang bata ay namatay,” ani nito.
Ang mga emergency personnel na rumisponde sa kanilang tahanan sa Kamoike area ay natagpuan ang sanggol sa loob ng isang plastic bag. Ang labi ng sanggol ay hindi nag-papakita ng mga panlabas na pinsala o sugat, at naka-kabit pa ang pusod nito, ayon sa mga pulis.
Si Kawabata ay nana-tili sa ospital matapos manganak. At nang siya ay lumabas na sa ospital nuong ika-26 ng Mayo, siya ay kinasuhan ng mga pulis na salang pag-iwan sa bangkay ng (sanggol).
“Hindi ko intensiyon na abandunahin ang labi ng (aking anak),” ani nito sabay pag-tanggi sa mga akusasyon na ipinataw laban sa kanya. “Matapos ko na mag-silang, wala na akong naaalala.”
Dinala ng mga pulis si Kawabata para humarap sa prosekyutor nuong ika-27 ng Mayo.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation