Filipino professional golfer na si Yuka Saso, champion sa US Women’s Open

Ang 19 years old Filipino professional golfer na si Saso Yuka ay nagwagi sa US Women's Open golf tournament pagkatapos ng playoff kasama ang Japanese player na si Hataoka Nasa. #PortalJapan See more⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspFilipino professional golfer na si Yuka Saso, champion sa  US Women's Open

Ang 19 years old Filipino professional golfer na si Saso Yuka ay nagwagi sa US Women’s Open golf tournament pagkatapos ng playoff kasama ang Japanese player na si Hataoka Nasa.

Sinimulan ni Saso ang final round noong Linggo sa pangalawang puwesto, isang stroke sa likod ng nangungunang player.

Matapos ang mga back-to-back na double bogey sa pangalawa at pangatlong hole, nakabawi siya sa pamamagitan ng birdying ng ika-16 at ika-17 na hole.

Ang playoff ay umabot sa 4th hole, kung saan gumawa si Saso ng isang birdie upang maipanalo ang game laban kay Hataoka.

Si Saso ay Filipino-Japanese, ipinanganak siya sa isang Japanese na ama at isang ina na Pilipino at may dual nationality.

Siya ay naging pangatlong manlalaro ng golf na may Japanese citizenship na nanalo ng pangunahing titulo ng Women’s championship, kasunod kay Higuchi Hisako sa US LPGA Championship noong 1977 at Shibuno Hinako sa 2019 Women’s British Open.

Sinabi ng organizers ng paligsahan na si Saso ay ang  pinakabatang kampeon ng US Women Open sa edad na 19 years, 11 months and 17 days.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund