EPEKTIBO BA ANG MGA KASALUKUYANG VACCINES LABAN SA IBA’T IBANG VARIANTS NG CORONAVIRUS?

90% EPEKTIBO LABAN SA MGA VARIANTS.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspEPEKTIBO BA ANG MGA KASALUKUYANG VACCINES LABAN SA IBA'T IBANG VARIANTS NG CORONAVIRUS?

90% EPEKTIBO LABAN SA MGA VARIANTS

Ang Japanese Study na isinagawa para sa Pfizer-BioNTech Vaccine ay nakakita ng katibayan na nagpapahiwatig na ito ay epektibo laban sa mga variants. Pinag-aralan ng mga researchers ang higit sa 100 mga tao na nakatanggap ng dalawang dosis ng bakuna, kung saan natuklasan nila na 89% porsyento ng mga subjects ang naka-develop ng mga antibodies na sinasabing epektibo laban sa pitong pangunahing kilalang mga variants.

Ang pag-susuri ay isinagawa sa Yokohama City University. Sinuri ng isang research team ang mga sampol ng mga dugo mula sa 105 mga healthcare workers na nakatanggap ng dalawang dosis ng bakunang Pfizer sa pagitan ng Marso at Abril.

RATE NG BAWAT VARIANT

Natuklasan ng research team na pagkatapos ng pangalawang dosis, 94% ng mga subjects ay may sapat na mga antibodies na itinuturing na epektibo laban Alpha variant; 90% laban sa Beta variat; 94% laban sa Gamma variant; 97% laban sa Delta variant; at 99% laban sa orihinal na strain.

Iniulat ng mga researchers na mayroong mas kaunting effect pagkatapos ng isang dosis ng bakuna. Pagkatapos ng isang shot, 18% lamang ng mga subject ang may sapat na antibody upang maging epektibo laban Alpha variant; 21% laban sa Beta variant; 16% laban sa Gamma variant; 37% laban sa Delta variant; at 57% laban sa orihinal na strain.

Si Propesor Yamanaka Takeharu, na namumuno sa research team, ay nagsabi na ang susunod na yugto ay upang isagawa ang pag-aaral sa isang mas malaking sample na pangkat.

Ang artikulong ito ay accurate as of Hunyo 11, 2021.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund