HYOGO – Isang dating kawani ng Welfare Facility para sa mga batang may kapansanan ang nasa kustodiya ng mga awtoridad, dahil sa pang-aabusong sekswal sa dalawang batang lalaki sa ikatlong pagkakataon, inihayag ng kapulisan at iniulat ng NHK (Hunyo 21).
Sa ikatlong kaso, si Kazunari Miyazaki, 34, ay sinasabing nagsagawa ng kalaswaan sa isang noo’y 11 anyos na bata sa iskursiyon ng pasilidad kung saan siya nagtatrabaho noong Agosto 20 at 21, 2019.
Dagdag pa ng kapulisan nanirecord ni Miyazaki sa video ang mga kalaswaang ito, gaya ng paghawak sa ibabang bahagi ng katawan ng bata na may kapansanan sa pagiisip, gamit ang kanyang Smartphone.
Si Miyazaki ay nakatira sa Lungsod ng Himeji. Ang Welfare Facility ay nagbibigay ng mga Daycare Services para sa mga batang may kapansanan.
Ayon sa kapulisan, tahasang inamin ni Miyazaki ang krimen, sa kanyang pagkaaresto dahil sa salang Indecent Assault and Violating Anti-Child Pornography Law.
” ITO’Y NANGYARI DIN SA AKIN!”
Si Miyazaki ay inaakusahan dahil sa diumano’y pangmomolestiya sa isang 7 taong gulang na batang lalaki mula sa pasilidad noong Mayo. Naaresto din siya dahil sa isa pang diumanong pang-aabuso sa isa pang batang lalaki limang taon na ang nakalilipas, nang ang biktima ay 14 taong gulang.
Matapos maaresto si Miyazaki sa dalawang insidente na iyon, lumitaw ang ikatlong kaso. “Nangyari rin ito sa akin,” sinabi ng pangatlong batang lalaki sa isang kasalukuyang staff member.
Patuloy ang pagsisiyasat ng kapulisan, kasama na ang pag-alam kung may iba pang mga biktima ang suspek.
Source: Tokyo Reporter
Image: Gallery
Join the Conversation