Covid patient na tumakas sa isolation facility, hinuli ng pulis

Ang pulisya sa kanlurang Japan ay inaresto ang isang covid patient na nakatakas mula sa isang hotel kung saan siya ginagamot at naka-isolate. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspCovid patient na tumakas sa isolation facility, hinuli ng pulis

Ang pulisya sa kanlurang Japan ay inaresto ang isang covid patient na nakatakas mula sa isang hotel kung saan siya ginagamot at naka-isolate.

Ang lalaki ay unang naaresto dahil nahulihan ito ng drugs noong Hunyo 18. Pagkatapos ay pinalaya siya at idinala sa isang hotel sa Osaka City na isang isolation facility matapos na magpositibo siya sa coronavirus.

Ang 20-taong-gulang na isang South Korean na residente ng Japan, ay nawala sa hotel makalipas ang apat na araw.

Sinabi ng pulisya na inaresto nila siya muli noong Miyerkules ng umaga sa isang subway station ng lungsod, higit na isang linggo pagkatapos nang mawala siya.

Sinabi ng gobyerno ng Osaka Prefectural na maaaring sinira ng lalaki ang bintana ng silid ng kanyang hotel sa ikaanim na palapag bago tumakas.

Sinabi ng lalaki sa pulisya na umalis siya sa hotel dahil gusto niyang makita ang isang kaibigan sa kalapit na prefecture ng Nara.

May mabigat na parusa para sa mga covid violators. Ang violator na ito ay dayuhan at may kaso pa ng drugs kaya’t malaki ang posibilidad na ito ay ma deport.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund