YOKOHAMA- pinag-multa ng Yokohama Public Prosecutor’s Office ang 23 anyos na Child Welfare Worker dahil sa indecent behavior na ginawa nito sa isang 14 anyos na junior high school na dalaga na siyang pansamantalang inilagay sa kostudiya ng center.
Si Kaito Yagishita, isang child welfare worker na nagta-trabaho sa Chuo Child Consultation Center sa Minami Ward ay pinag-multa ng 500,000 yen nuong Martes dahil sa hindi pag-sunod sa Ordinance of Juvenile Protection ng Prepektura ng Kanagawa, mula sa ulat ng Sankei Shimbun.
Ayon sa Prosecutor’s office, si Yagishita ay nakipag-talik sa dalaga sa isang hotel sa Yokohama nuong ika-15 ng Abril. Siya ay inaresto nuong May 26 at inamin nito na alam niya na ang dalaga ay menor de edad.
Ang dalawa ay nagka-kilala habang ang bata ay nasa kustodiya ng ahensya at nagpalitan ng mensahe sa isang social networking site.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation