Central Japan Prefecture, inalis ang mga nagle-label na ilustrasyon na naka-kukutya sa mga dayuhan

"Ang iligal na pag-tatrabaho at iligal na panatili sa bansa ay isang hindi pag-sunod sa batas, ngunit sila pa rin ay tao na may maaaring kadahilalan kung bakit ito nawalan ng visa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Makikita ang isang imahe na inilagay ng Mie Prefectural Police sa isang prefectural government website na nag-tutukoy sa iligal na pananatili at pag-tatrabaho ng mga dayuhan sa bansa.
(Image provided by concerned parties)

TSU — inalis na ng Mie Prefectural Government ang isang ilustrasyon mula sa isang website na nag-lalaman ng statistic at educational information upang maiwasan ang iligal na pagta-trabaho at iligal na pananatili ng mga dayuhan sa bansa, matapos maka-tanggap ng reklamo mula sa mga mamamayan na nagpo-promote ng diskrininasyon laban sa mga dayuhan, ayun sa napag-laman ng Mainichi Shimbun nuong June 28.

Kabilang sa statistics at educational content ay ang isang ilustrasyon na inihanda ng Mie Prefectural Police. Ang ilustrasyon ay nagde-depict ng tatlong banyaga na maaaring walang residency status o nagkukuwaring mayroong “cook” o “study abroad” visa status habang nagtatrabaho bilang isang construction worker o hostess.

Ayon sa prefectural police, ang ilustrasyon ay internally available at ginagamit para sa public relations purposes.

Ang nasabing post ukol sa ilustrasyon ay mabilis na kumalat sa social media na nag-dulot ng samu’t-saring usapin nuong June 26, may nag-komento na “Ito ay isang pang-iinsulto sa mga banyaga at ito ay sobra na.” at “Ang ilustrasyon na ito ay malisyoso.” Sa kabilang banda, may iba naman na nag-sabi na “Natural lamang ito dahil sila ay kriminal” at “Hindi ito pangungutya laban sa mga dayuhan.”

Nag-bigay ng pahayag ang prefectural police, “Kami ay gumamit ng isang ilustrasyon na madaling maintindihan ng lahat, ngunit kung may mga taong nakararamdam na sila o ang larawan ay lumabag sa batas at hindi sila komportableng masilayan ito, ito ay hindi tama.” Agad naman na tinanggal ng prefectural government ang nasabing ilustrasyon nuong June 26.

Si Kyoko Wada, isang representative director ng Iga no Tsutamaru, isang nonprofit organization sa prepektura at lungsod sa Iga na sumusuporta sa mga dayuhang naninirahan sa bansa, ay nag-sabi, “Ang iligal na pag-tatrabaho at iligal na panatili sa bansa ay isang hindi pag-sunod sa batas, ngunit sila pa rin ay tao na may maaaring kadahilalan kung bakit ito nawalan ng visa. Mahirap maintindihan kung bakit ito ang gunamit na ilustrasyon, dahi ito ay maaaring mag-dulot ng isang nakaka-takot na sitwasyon.”

(Japanese original by Yuka Asahina, Tsu Bureau)

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund