Botswana, nahukay ang ikatlong pinaka-malaking diamond sa buong mundo

Isa pang diamond ang natagpuan sa Botswana nuong taong 2015, na siya namang pinaniniwalaang ikalawa sa pinaka-malaking dyamante sa buong mundo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Isang napaka-laking dyamante na may bigat na hihigit sa 1,000 carats ang nadiskubre sa southern Africa na bansa ng Botswana. Ayon sa opisyal ng senior mining company, maaari raw na ito ay ang ikatlong pinaka-malaking dyamante sa buong mundo.

Ang bato na nahukay nitong umpisa ng buwan ay may bigat na 1,098 carats. Ayon sa Reuters at iba pang media outlets, may haba raw na 73 millimeters at may lapad na 52 millimeters at may kapal na 27 millimeters ang nasabing dyamante.

Ang bansa ng Botswana ay isa sa nangunguna sa diamond-producing countries.

Ang bato ay ipina-kita sa kapitolyo, sa Gaborone nitong Miyerkules sa isang seremonya na siyang dinaluhan ni President Mokgweetsi Masisi.

Ayon pa sa opisyales ng kumpanya, hindi pa napagde-desisyonan kung paano maibebenta ang diamond.

Isa pang diamond ang natagpuan sa Botswana nuong taong 2015, na siya namang pinaniniwalaang ikalawa sa pinaka-malaking dyamante sa buong mundo. Ito ay naibenta sa halagang 53 million dollars.

Nag-tweet ang pamahalaan ng Botswana ukol sa komento ng kanilang pangulo, na ang mapag-bebentahan ng diamond ay gagamitin sa development ng kanilang bansa.

Source: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund