AYON SA PANANALIKSIK, DELTA VIRUS MAS NAKAHAHAWA

Idinagdag pa nito na sa July 23, kapag nag-simula na ang Tokyo Olympics, ang variant ay inaasahang maging sanhi ng 68.9 porsyento ng bilang ng mga bagong kaso sa buong mundo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAYON SA PANANALIKSIK, DELTA VIRUS MAS NAKAHAHAWA

Inistima ng mga mananaliksik sa Japan na ang Delta variant nang coronavirus sa kasalukuyan ay kumakalat sa buong bansa na may bilis na 1.95 na beses na mas nakaka-hawa kumpara sa orihinal na virus. Ang nasabing variant ay unang nadiskubre sa India.

Ang grupo na pinangungunahan ng Kyoto University Professor na si G. Nishiura Hiroshi at G.Ito Kimihito ng Hokkaido University, ini-report nang dalawa ang resulta ng kanilang analysis sa isang pag-pupulong sa advisory panel nang health ministry nuong Miyerkules.

Sinuri ng grupo ang resulta ng PCR tests sa Tokyo pati na rin sa international coronavirus database.

Ipinakita sa analysis na ang variant ay 1.95 na beses na mas nakakahawa kumpara sa orihinal na virus, sa isang termino ng average na bilqng ng mga tao na maaaring mahawaan ng isang carrier.

Ayon pa sa mga mananaliksik, base sa datos ng Japan, ang variant ay nakahawa na ng mahigit kalahati ng mga bagong kaso na ini-tala nuong ika-12 ng Hulyo.

Idinagdag pa nito na sa July 23, kapag nag-simula na ang Tokyo Olympics, ang variant ay inaasahang maging sanhi ng 68.9 porsyento ng bilang ng mga bagong kaso sa buong mundo.

Sinabi rin ni Nishiura ang mga bagong pag-taas ng datos ng variant ay nag-bukas ng mas marami pang pagsasaliksik ng grupo kumpara nuong nakaraan.

Binalaan niya rin ang mga tao na mataas ang transmissibility ng variant matapos alisin ang coronavirus state of emergency sa Tokyo at iba pang siyudad. Maaari itong mag-sanhi ng mas mataas na risk ng impeksyon sa darating na mga araw.

Source and Image: NHK World Japan

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund