AVATAR ROBOT CAFE, MAGBUBUKAS SA TOKYO

Ang kanilang mga human operators ay nasa bahay, at halinhinang pumapalit sa tungkulin ng mga waiter.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAVATAR ROBOT CAFE, MAGBUBUKAS SA TOKYO

Ang mga customer sa isang bagong Cafe sa Tokyo ay nagbibigay ng kanilang mga order hindi sa isang tao, kungdi sa isang robot.

Ang mga device ay kinokontrol nang malayuan ng mga taong may disabilities at nahihirapang lumabas.

Ang tinaguriang “Avatar Robot,” ay gumagalaw sa sarili at may taas na 120 sentimetro, at may kakayanang magdadala ng mga inumin sa mga customer na nakaupo sa mga mesa.

Ang kanilang mga human operators ay nasa bahay, at halinhinang pumapalit sa tungkulin ng mga waiter. Nakokontrol ang mga nasabing robot gamit ang kanilang mga daliri, baba o iba pang mga bahagi ng katawan.

Hindi ito ang unang may ganitong uri ng Cafe , ngunit ito ang unang magbubukas ng tuloy-tuloy.

Ang Ory Laboratories na nakabase sa Tokyo ang developer ng mga robot.

Ayon sa Chief Executive ng kumpanya na ang isang Avatar-Robot Cafe na laging bukas ay isang pangarap na natupad. Sinabi pa ni Yoshifuji Kentaro na nais nilang mag-alok ng maraming mga pagpipilian para sa mga tao upang makapagtrabaho , kahit na hindi na nila naigagalaw ang kanilang mga katawan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund