Aussie softball team, pinaka-unang team na dumating sa Japan para sa pre-olympic training

Ang women's softball team ng Australia ang pinaka-unang team na dumating sa Japan para sa isang pre-Olympics na training camp habang naghahanda ang host city na magpataw ng mas maingat na mga hakbang kontra-coronavirus. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAussie softball team, pinaka-unang team na dumating sa Japan para sa pre-olympic training

Ang women’s softball team ng Australia ang pinaka-unang team na dumating sa Japan para sa isang pre-Olympics na training camp habang naghahanda ang host city na magpataw ng mas maingat na mga hakbang kontra-coronavirus.

Sinabi ng mga opisyal na ang mga miyembro ng team ay kabilang sa mga unang atleta na dumating sa bansa para sa Tokyo Games, na ipinagpaliban ng isang taon dahil sa coronavirus pandemic.

Humigit kumulang 30 na mga manlalaro at coaches mula sa Australia ang dumating sa Narita Airport, malapit sa Tokyo, noong Martes ng umaga.

Ang mga team, bawat isa ay nakasuot ng mask, ay lumitaw mula sa arrival  gate at kumaway sa mga reporters. Nakatanggap sila ng mga dokumento na may instruction sa pag-iingat kapag pumapasok sa Japan sa istasyon ng quarantine, pagkatapos ay umupo at naghintay na makatanggap ng isang antigen test.

Darating ang team sa lungsod ng Ota sa Gunma Prefecture, hilaga ng Tokyo, sa hapon. Ang mga miyembro ay mananatili doon hanggang Hulyo 17 upang maghanda para sa kanilang unang laro sa Olympics.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund