Ipinahayag ng health minister ng Japan na maaaring mag-deklara muli ang pamahalaan ng isa pang state of emergency sa Tokyo kung patuloy pa rin ang pag-taas ng bilang ng coronavirus infection.
Sinabi ni Tamura Norihisa sa isang news conference nitong Biyernes na ang bilang ng mga taong lumalabas sa gabi sa Tokyo ay tumaas bago pa man ibaba ang deklarasyon ng state of emergency nuong ika-20 ng Hunyo.
Sinabi rin nito na maaaring tumaas ang bilang ng mga taong lumalabas sa gabi sa kapitolyo ng bansa na siyang magiging sanhi ng patuloy na pag-taas ng mga kaso.
Ani pa ng ministro na hindi pa natatapos o naaabot ng pag-babakuna ang buong papulasyon, at ang pag-pataw ng mas striktong hakbang ay kinakailangan upang maiwasan ang impeksyon.
Kinumpirma ng Tokyo Metropolitan Government ang 570 na bagong kaso nitong Huwebes. Ito ay ang ikalawang araw na nag-tala ang sentro ng mahigit na 100 kaso ng impeksyon mula nuong nakaraang linggo.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation