7-eleven Konbini staff pinarangalan nang isalba ang isang matanda na mabiktima ng e-money scam

Dalawang staff sa convenience store at isang manager ang nabigyan ng parangal dahil napigilan nila ang isang lalaki na maging biktima ng e-money scam sa pamamagitan ng pag hold sa kanya sa loob ng konbini hanggang dumating ang pulis. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
&nbsp7-eleven Konbini staff pinarangalan nang isalba ang isang matanda na mabiktima ng e-money scam
Ang tatlong 7-Eleven staff ay ipinakita ng kanilang mga certificate of appreciation sa harap ng store ng Iga Hirano Kitadani sa Iga, Mie Prefecture. (Mainichi / Yasuhiro Onishi)

IGA, Mie – Dalawang staff sa convenience store at isang manager ang nabigyan ng parangal dahil napigilan nila ang isang lalaki na maging biktima ng e-money scam sa pamamagitan ng pag hold sa kanya sa loob ng konbini hanggang dumating ang pulis.

Ipinagkaloob ng Iga Police Station ang mga certificate kay Haruka Yamada, 28, at Kaho Arimura, 18, kapwa part-time na worker sa Iga Hirano Kitadani 7-Eleven store sa lungsod ng Mie Prefecture ng Iga, at 29-taong-gulang na Satoshi Kobayashi, isang empleyado ng Japan Co. na namamahala sa tindahan.

Ayon sa istasyon, isang lalaking, walang trabaho, na nasa edad na 70 ang pumasok sa tindahan bandang 11:40 ng umaga noong Mayo 27 at sinubukang bumili ng 250,000-yen (halos $ 2,260) na halaga ng e-money.

Kinutuban agad ang dalawang saff na si Yamada at Arimura na posibleng scam ito at ang lalaki ay nabibiktima ng mga scammers dahil alam nila ang ganitong klaseng modus.

Kung kaya’t tinawagan nila agad ang kanilang tencho at agad na tumawag ng pulisya. Pinagsabihan nila ang biktima na maaaring scam ito ngunit ayaw maniwala sa kanila kung kaya’t nagkunwari nalang ang dalawang staff na kunwari ay nagkaka-system error ang kanilang mga cash register upang hindi matuloy ang purchase at para hindi umalis ang biktima habang paparating ang mga pulis.

Saka lang naniwala ang lalaki na siya nga ay biktima ng scam nang ipinaliwanag sakanya ng pulis ang sitwasyon.

Ang lalaki ay pinadalhan daw ng isang pekeng bill na nagdedemand na bayaran ang registration at bilang members fee ng isang internet site.

Ayon sa hurisdiksyon ng Iga Police Station, apat na insidente ng scam ang nakumpirma ngayong taon mula Hunyo 25, na may mga pinsala na umabot sa kabuuang 5.66 milyong yen (halos $ 51,100). Ito ay isang pagtaas ng tatlong kaso at 3.63 milyong yen (halos $ 32,800) mula sa parehong panahon noong nakaraang taon.

(Orihinal na Hapones ni Yasuhiro Onishi, Iga Resident Bureau)

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund