Isang memorial service ay isina-gawa nuong Martes upang markahan ang ika-20 taon mula nang mangyari ang pananaksak sa isang elementary school sa prepektura ng Osaka, western Japan.
Sinaksak at napatay ni Takuma Mamoru ang walong bata at nasugatan ang 13 pang kabataan at dalawang guro sa Ikeda Elementary School nuong June 8, 2001.
Nuong umaga ng Martes, isang kampana ang ipina-tunog sa monumento kung saan naka-sulat ang pangalan ng 8 biktima. Mahigit 650 katao, kabilang ang mga naiwang pamilya ng mga biktima ay nag-alay ng isang panalangin.
Ang Punong Guro ng paaralan na si Sanada Takumi , na nuo’y nag-tuturo sa ika-anim na baitang, ang pag-sisikap na ma-sigurado ang kaligtasan ng paaralan ay magpapa-tuloy kahit na lumipas ang 20 taon.
Isang kumakatawan sa mga mag-aaral, ang batang nasa ika-6 na baitang ay nag-sabi na kinakailangan na gumawa ng isang society kung saan wala nang makakaranas ng karahasang dinasnas ng mga namatay na biktima.
Si Hongo Yumiko ay namatayan ng anak na babae 20 taon na ang nakalilipas, ito ay na nasa ikalawang baitang nuon, ay nag-sabi na hindi pa rin niya makalilimutan ang sakit nang mangyari ang insidente 20 taon na ang nakararaan.
Matapos ang trahedya, si Hongo na isang qualified na counselor para sa mga taong nawalan ng mga minamahal sa buhay sanhi ng krimen o trahedya.
Sinabi niya sa NHK bago pa isina-gawa ang memorial service, sa loob ng 20 taon, minsan gumi-gising siya sa umaga na iniisip na ito ay isang masamang panaginip lamang. Lagi niyang kina-kausap ang kanyang anak tungkol sa mga nangyayari sa kanyang buhay sa mga nakalipas na taon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation